“SA KABATAANG PILIPINO”
Itaas ang iyong
Malinis na noo
Sa araw na ito,
Kabataang Pilipino!
Igilas mo na rin ang kumikinang mong
Mayamang sanghaya
Magandang pag-asa ng Bayan kong Mutya!
Makapangyarihang wani’y lumilipad,
At binibigyang ka ng muning mataas,
Na maitutulad ng ganap na lakas,
Mabilis na hangin, sa kanyang paglipad,
Malinis na diwa, sa likmuang hangad.
Ikaw ay bumaba
Na taglay ang ilaw
Ng sining at agham
Sa paglalabanan,
Bunying kabataan,
At iyong kalagiun ang gapos mong iyang
Tanikalang bakal na kinatalian
Ng matulain mong waning kinagisnan.
Ikaw na lagi nang pataas nag lipad,
Sa pakpak ng iyong Mayamang pangarap,
Na iyong Makita sa Ilimpong ulap
Ang lalong matamis
Na mag tulaing pinakananais,
Ng higit ang sarap
Kaysa “ambrosia” at “nectar” na awagas
Ng mga bulaklak.
Ikaw na may tinig
Na buhat sa langit,
Kaagaw sa tamis
Na kay Filomenang Malinis na hiomig,
Sa gabing tahimik
Ay pinaparam mo ang sa taong sakit,
Ikaw, na ang batong sukdulan ng tigas
Sa lakas ng iyong diwa’y nagagawad
Ng buhay at gilas,
At ang alaalang makislap
Ay nabibigayan ng kamay mong masikap
Ng buhay na walang masasabing wakes.
At ikaw, na siyang
Sa may iba’t ibang
Balani ni Febong kay Apelas mahal,
Gayundin sa lambong ng katalagahan,
Na siayng sa guhit ng pinsel mong tanga’y
Nakapaglilipat sa kayong alinman;
Hayo na’y tumakbo! Sapagka’t ang banal
Na ningas ng wani’y nais maputungan
Kayong naglalama’y,
At maipamansag ng tambuling tangan,
Saan man humanggan,
Ang ngalan ng tao, sa di matulusang
Lawak ng palibot na nakasasaklaw.
Malwalhating araw,
Ito, Pilipinas, sa lupang tuntungan!
Ang Lumikha’y dapat na pasalamatan,
Dahilan sa kanyang mapagmahal,
Na ikaw’y pahatdan.
Si Dr. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonte ay pinanganak sa
isang mayamang angkan sa Calamba, Laguna at pampito sa labing-isang anak ng
mag-asawang Francisco Engracio Rizal Mercado y Alejandro at Teodora Morales
Alonzo Realonda y Quintos. Nag-aral siya sa Ateneo Municipal de Manila, at
nakakuha ng diploma sa Batsilyer ng Sining at nag-aral ng medisina sa
Pamantasan ng Santo Tomas sa Maynila. Ipinagpatuloy niya ang kanyang pag-aaral
sa Universidad Central de Madrid sa Madrid, Espanya, at nakakuha ng Lisensiya
sa Medisina, na nagbigay sa kanyan ng karapatan sanayin ang medisina. Nag-aral
din siya sa Pamantasan ng Paris at Pamantasan ng Heidelberg.
Ang tulang “Sa Kabataang Pilipino” ay salin ng tulang “A La
Juventud Filipina” na sinulat ni Rizal sa Unibersidad ng Santo Tomas noong 1879
sa gulang na labingwalong taon. Ang tulang ito ang nagkamit ng unang gantimpala
sa patimpalak sa pagsulat ng tula, na itinaguyod ng Liceo Artistico Literario,
samahang binubuo ng mga taong mahilig sa panitikan at sa sining. Mga Kastila’t
katutubo ang lumahook na sa paligsahan nguni’t ang Lupon ng Inampalang binubuo
ng mga kastila ay humanga sa tula ni Rizal at ipinagkaloob dito ang unang
gantimpala.
Ang tulang ito ang kauna-unahang lantarang pagpapahayag ni
Rizal ng kaniyang damdaming makabansa. Hinihimok niya ang kabataang Pilipino
upang mamukadkad at linangin ang kaniyang masisining na katalinuhan, tinatawag
itong “Magandang Pag-asa ng Bayan Kong Mutya,” na ngayo’y isang pariralang
malimit banggitin.
Makikita kaagad sa unang taludtod ang ipinaparating na
mensahe ni Rizal na ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan, sa paggamit ng mga
salitang “kabataan ng aking pangarap” at “pag-asa ng bayan”. Isinaad din nya na
hinihintay niyang mangibabaw ang katalinuhan ng mga kabataan upang
magtulong-tulong sa pagunlad ng bayan. Pinapayuhan din niya, sa ikatlong
talata, na gamitin ng kabataan ang karunungan sa agham at sining upang makawala
sa gapos na nagsisiil sa damdamin ng mamamayan.
Inihalintulad din nya ang himig ng kabataan sa boses ni
Philomel na nakakapagpawi ng luha at hinagpis. Ang diwa at alaala ng kabataan
ay siya ding gagamitin upang mapagtibay ang ating bayan, at ito ay walang kamatayang
nakatanim sa puso ng kabataan. Parang pinapangaralan niya ang mga kabataang
Pilipino na gamitin ang kanilang angking talino at nakamit na karunungan sa
dalawang paraan, ang dalawang para na ito ay ang iangat ang Pilipinas upang
tayo’y umunlad, at maging patriot ng bansang Pilipinas.
Sa tula’y ipinahahayag na ang Pilipinas ay bayan ng mga
Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang mga
katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas, na
siyang gamit ng salitang ito.
Ipinahahayag din sa tulang ito na ang Pilipinas ay bayan ng
mga Pilipino at ang salitang “Pilipino” ay unang ginagamit upang tawagin ang
mga katutubo ng Pilipinas, hindi ang mga kastilang ipinanganak sa Pilipinas na
siyang gamit ng salitang ito.
Wow! ang galing ng pasusuri mo.
TumugonBurahinsalamat sa details, jay estil po pala.
TumugonBurahinAng galing m naman po
TumugonBurahinang galing ko po
TumugonBurahinSalamat:)
TumugonBurahinWhy do you admire this poem
TumugonBurahinMas naintindihan ko pa Lalo Yung Tula dahil sa paliwanag na binigay mo, salamat po at malaking tulong to sa mga susunod pang mag aaral😊♥️
TumugonBurahinMas naintindihan ko pa Lalo Yung Tula dahil sa paliwanag na binigay mo, salamat po at malaking tulong to sa mga susunod pang mag aaral😊♥️
TumugonBurahinYeah.!thanks for your nice explanation... 💕💕
TumugonBurahinAces casino - Dr.MCD
TumugonBurahinThe game will only be 경산 출장안마 playable at 목포 출장안마 casinos that have When 구미 출장안마 you load a 동해 출장샵 slot machine, you'll notice a black screen, 수원 출장안마 and the sound will come right